Pagpupugay canilá Krystal at Mómay

Gusto co lang ipagmalaquí ang aquing mg̃a anác na siná Krystal at Mómay. Ámbabaít nilá, palaguing maaasahan. Sa mura niláng edad (si Krystal ay 19 años na samantalang si Mómay namán ay 15 años), maaasahan na silá sa pamimilí sa palenque at sa paglulutò, marurunong na siláng magsipaglinis ng tirahan namin (casama na ang baño), marurunong nang magcumpuní ng cung anú-anó — mg̃a bagay na hindí co natutunan (at ayao cong matutunan, hehehe). Maaasahan din silá sa pag-aalagá ng tatló pa niláng nacababatang mg̃a capatíd. Palagui din nilá acóng hinahaínan ng pagcáin at pinagtítimpla ng café… at cung mayroón, Milo arao-arao (sa inglés: Milo every day). Natútuwà acó at napalaquí silá ng asaua co na mg̃a responsable. Dahil sa tulong nilá, más nadádagdagan ang horas co sa págsusulat at págbabasa — mg̃a bagay na hiráp co nang gawín nitóng mg̃a nacalipas na taón.

Paquirámdam co tulóy señorito acó. 😂

Nang nagca-cáncer ang caniláng iná ay más na-obsérvahan co ang caniláng payác na págmamahal sa aming familia. Si Krystal ang naiuan sa aming muntíng tirahan para bantayán siná Jefe, Juanito, at Junífera Clarita samantaláng si Mómay namán ang umalalay sa aming mag-asaua sa hospital. At ñgayóng may pandemia, si Krystal namán ang aming inaasahan na mamilí ng aming mg̃a cácailañganin sapagcát siyá lamang ang may pase de cuarentena (quarantine pass); hindí pa puede si Mómay dahil siyá’y menor de edad pa lamang (lalong hindî acó puede dahil bucód sa acó ang caniláng señorito, mahina na ang baga co; tiyác na tigóc acó caagád ‘pag nadapúan ng COVID-19).

Capagca minsan acó’y nañghíhinayang dahil ualá ni isá sa mg̃a anác co ang napahilig sa mg̃a bagay na quinahihiligan co: ang págsusulat at págbabasa. Ñgunit hindí co silá puedeng pilitin sa cung anóng pasión ang gusto niláng piliin sa buhay. Ang mahalagá’y lumaquí silá biláng mabubuting Cristiano at mg̃a anác na puno ng respeto at págmamahal.

Hindî acó naguíng perfectong amá sa canilá. Dahil acó’y alipin ng págsusulat, marami siláng excentricidad na tiniís sa aquin. Cayá’t sa tiñgín co’y lahát ng pagquilala sa magandáng pamamalaquí at cabutihang asal sa canilá ay dapat matoón sa aquing maybahay.

Casama ng ibá pa naming mg̃a anác ni Yeyette, siná Krystal at Mómay ay tunay na mg̃a biyaya sa amin ng Pañginoóng Dios. At dahil dito’y lubós acóng nagpapasalamat.

PEPE ALAS

Siná Krystal at Mómay noóng silá’y mg̃a musmós pa lamang sa Abra de Ilog, Mindoro Occidental noóng 2006. Ang retratong itó ay cuha co sa malaparaísong Ilog Tagbóng na matátagpuan malapit sa bahay ng familia ng asaua co.

¡Os amo mucho, Krystal y Mómay!

PEPE ALAS

Cuha canina laang dine sa aming muntíng apartamento sa San Pedro Tunasán, La Laguna.

PD: Ñgayóng araó na itó ay guinúgunita natin ang ica-499 na macasaysayang unang Misa sa Filipinas na guinanáp sa Mazaua. Sa isáng taón ay ise-célebra ang quincentenario aniversario ng cristianismo sa bansâ, isáng malaquíng celebración na matagál nang pinagpaplanuhan ng gobierno filipino at ng local na Iglesia Católica. Bucas namán ay ang ica-11 na caarauán ng bunsó cong lalaque na si Juanito. 😊